Ala eh? Ikaw ga’y taga Batangas?

Cape+De+santiago.jpg

 

 

5. Batangas is also generally accepted by linguists as the “Heart of the Tagalog Language” 

Mayaman ang wikang Tagalog at dito nga sa Batangas maraming mga salita an hindi ma-alwang ma-arok. Pihong ika’y babanasin bago maalman ang mga imik na kai-kainaman. Na-gets niyo ga?

– htttp://wowbatangas.com/features/batangas-trivia-alam-nyo-ga-are/

1. Asbag  mayabang

  • Simula noong siya ay nagkatrabaho ay naging maasbag na siya at umaasta na para bang kaya ng bilhin ang kahit na ano.

2Bulador – saranggola

  • Ang magkapatid ay nagpunta sa parang upang magpalipad ng bulador.

3. Dag im – maitim na ulap; uulan

  • Dahil sa nakitang dag im ay nilikom na ng kanyan nanay ang mga damit na nakasampay.

4. Galgal – pilyo

  • Sa sobrang galgal niya ay siya ay napagsabihan ng kanyang mga magulang.

5. Mautdo – maigsi

  • Pinagpalit siya ng damit ng kanyang tatay dahil ang suot niya ay mautdo.

6. Patikar – patakbo

  • Patikar na nagpuntahan ang mga mag-aaral sa kanilang silid-aralan dahil magsisimula na ang klase.

7. Palakat – pasigaw

  • Habang naguusap sina Erika at Erielyn ay may bigla na lamang tumawag sakanila ng palakat.

8. Wasang – inis 

  • Sa sobrang wasang ni Ikay kay Stephen ay kanya itong nasaktan.

9. Biyabit – dala-dala o bitbit

  • Tinulungan ni Ehramae ang kanyang guro dahil sa dami nitong biyabit na gamit.

10. Tambilong – natumba

  • Sa sobrang sama ng pakiramdam ni Clarisse ay siya’y natambilong na lang bigla.

At para mas mapadali pa ang pag-unawa sa mga salitang nasa itaas, panoodin ang video na nasa ibaba:

https://www.youtube.com/watch?v=k6nf6EdlBd4&feature=youtu.be